KIMSAMSOON: Sinubukan ni Samsoon yung nabasa niyang cheapest lipo ad sa dyaryo. Nagpunta sya, itutuloy na sana nya kaya lang natakot sya. Si Eliza naman, naglayas dahil sa nangyari sa kanila ng ina. Nagpunta si Samsoon sa isan resto, nagkita sila ni Cyrus at Hanna. Sabi ni Samsoon, may kasama raw sya at date nya. Inasar-asar pa sya ni Hanna. Nabalitaan raw ni Hanna na depress sya. Nakita ni Samsoon ang pagdate nina Cyrus at Hanna, nagsusubuan pa. Dahil sa ginawang pagsisinungaling, palihim na umalis itong si Samsoon sa pamamagitan ng paggapang. Eh may waiter na nakahulog ng tray, nakita tuloy sya. Napansin sya ni Cyrus, nagdahilan naman itong si Samsoon kung bakit nakagapang sya. Sabi ni Hanna, baka daw dahil wala naman talagang date si Samsoon, kawawa naman daw ito at walang date. Buti na lang, dumating si Harvey, sabi nya sya ang date ni Samsoon. Nagulat si Samsoon, pati sina Cyrus. Nang nagkahiwalay na silang pares, tumingin si Cyrus kina Samsoon. Pinagseselos ni Cyrus at Samsoon ang isa't isa. Nagkausap ng sarilinan sina Cyrus at Harvey.
DALJA SPRING: Nagkausap sina Myrna at Dalja tungkol sa pagpapakasal. Sasabihin sana ni Dalja, nahalata na rin kasi ni Philip. Eh itong si Philip, naalala ung pag uusap nila ni Cheska na hawak nila ang kaso ng pagme merge ng HANDA HOMESHOPPING na kumpanya nina Dalja. Nasabi rin ni Dalja ang tungkol sa usap-usapan sa kumpanya nila tungkol sa merging, sabi ni Philip wala syang alam. Nung nalaman nila na totoo yung usap-usapan, un din ung araw na nakita ni Dalja si Philip with Cheska sa kumpanya. Pagdating sa bahay, pinag usapan nila yun.Nagseselos si Dalja kay Cheska. Lalo na't di pa sya nasabihan ni Philip na mahal sya nito. Tapos, di pa sya sinabihan tungkol dun sa kumpanya. Si Carl, nakausap ang ama ni Cynthia. Sabi nito, nakikita nya na mahal ni Cynthia si Carl. Kaya si Carl, kinausao si Mam Zeny Kang. Nagkasabay sina Dalja, Philip at Cheska sa bahay ng mga magulang ni Philip. Nagseselos pa rin si Dalja kaya umalis agad sya. Eh may sasabihin pa naman si Myrna, gusto raw nyang pumunta kina Marita at makausap ito. Para raw un sa pagpapakasal nina Philip at Dalja. Nagulat sina Philip at Cheska. Di makapaniwala si Philip. Yung mga magulang at lolo nya nagkasundo na naipapakasal sila. Sad naman si Cheska. Naglakad lang si Dalja. Hinanap sya ni Philip at nagkita naman sila. Itong si Dalja, biglang sinabing maghiwalay na lang sila.